Mass burial sa CDO ipinagpaliban

IPINAGPALIBAN ng lokal na pamahalaan ng Cagayan De Oro City ang dapat sana’y mass burial ngayong araw para sa mahigit 500 biktima na namatay sa pananalasa ng Bagyong Sendong.

Nabatid na pansamantalang ini-hilera ang mga hindi pa nakikilalang bangkay sa isang open dumpsite sa naturang lungsod dahil darating ang forensic team na tutulong sa pagkilala sa mga bangkay.

Base naman sa panayan ng dzMM kay Cagayan De Oro City Mayor Vicente Emano, may usaping legal kaya’t hindi maaaring basta na lamang ilibing sa mass grave ang mga hindi pa nakikilalang bangkay.

Dagdag pa ni Emano, mayroon ding mga paraan upang makilala ang mga bangkay kabilang na ang dental records ng mga biktima.

Nabatid na nag-spray na rin ng kemikal upang mawala ang masangsang na amoy.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply