Mass burial sa Iligan ikinasa na

IKINASA na ang mass burial para sa mga namamatay na biktima ng bagyong Sendong sa Iligan City.

Isasagawa ang paglilibing bukas ng alas 2:30 ng hapon kasabay ng pagbisita at pag-iinspeksyon ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa mga nasalanta ng bagyo.

Kaninang umaga ay itinulak na ang paglilibing ngunit hindi natuloy dahil basa pa ang semento ng apartment-type na libingan.

Sa ngayon ay nasa 279 na ang kumpirmadong namatay sa Iligan City dahil sa Bagyong Sendong, habang nasa 190 pa ang nawawala.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply