Matindi ang pagsisisi ng promising sanang starlet

KAPAG napanonood daw ng isang dating gifted starlet ang isang afternoon soap sa network na rati niyang pinagtatrabahuhan, di nito maiwasang makaramdam ng lungkot. Pa’no naman, kung di siya nagdesisyong umalis sa nasabing network, where the roles being given to her where mostly challenging and meaty, baka bonggang-bongga na at this time ang kanyang career.

Ang ginawa kasing theme song sa afternoon soap ay ang signature song niya na kanyang kinanta before nu’ng time na nasa network pa siya at kinu-consider na isa sa mga promising new-finds.

Ang kaso, nasilaw siya sa supposedly ay appetizing at hard to resist offer ng competing network kaya walang second thought na lumipat siya but much to her dismay, the roles being given to her were mostly devoid of any meat if not out and out lackluster.

Ang tsika, out of immense disenchantment, nag-asawa na lang daw ang mahusay sanang umarteng starlet at ngayo’y parang nawalan na siya ng gana sa career na noo’y full of promise talaga.

Kaya ‘yang paglipat ng network ay dapat talagang pinag-iisipan nang husto.

Buti nga ‘yung young actor na minsa’y nag-experiment ding lumipat ay nakabalik agad sa network na kanyang pinanggalingan bago naging huli ang lahat.

Ang napupuna kasi nang nakararami, kapag lumilipat ang mga talent sa kabilang network ay hindi sila nahihiyang o sinuswerte whereas ‘yung mga talentong galing sa network na ‘yun na lumilipat sa kabilang network ay sinuswerte nang husto tulad nga nang nangyari sa rating lackluster na career ng isang hunky young man na ngayo’y nasa leading man category na unlike nu’ng time na parang second lead lang siya at di gaanong nai-exploit to the max ang kanyang potentials.

This is not to say that the network where he came from is not good in building up talents. Nagkataon lang sigurong mas creative ang mga tao roon sa kabilang network kaya nasi-sense kaagad nila kung sino ang promising at sino ang hindi.

‘Yun lang!

Going back to the female starlet, sad rin daw ito sa nangyari sa showbiz career ng kanyang male friend na ngayo’y on the downhill slope na rin after na bomongga nang husto for quite sometime.

At least naman, na-maximize ng kanyang male friend ang kanyang potential kaya no regrets whatsoever.

‘Yun na!

***

Cristine Reyes on the more challenges in the year 2012

BONGGACIOUS ang 2011 para kay Cristine Reyes. For one, part siya ng top-grossing film for 2011 na “No Other Woman” kung saan pinag-usapan talaga ang head-on collision nila, acting-wise, ni Anne Curtis.

Sa telebisyon naman, kakaiba ang dating ng Reputasyon nila ni Rayver Cruz kung saan matindi ang impact ng kanilang tambalan dahil parang hindi na sila umaarte at damang-dama mo ang intimacy na nagi-exist between the two of them.

Kahit na ano pang hadlang ang gawin ng character ni Aiko Melendez, against all odds talaga ang drama nilang dalawa.

Anyway, dahil sa positibong feedback sa kanilang late afternoon soap, extended ito hanggang early February.

Di lang kasi si Cristine ang magaling dito. Kahit sina Rayver at ang supporting casts ay pagkahuhusay rin.

Kina Rayver at Cristine pa rin, ang tindi ng dating ng kanilang love scene the other day. Talagang passionate at erotic ang shots at nakadadala.

***

Walang swerte sa pag-ibig

MABAIT naman ang young actress na ‘to. To be truthful, marami ang naawa sa kanya nang magkahiwalay sila ng ka-on niya for many a good year na equally popular young actor.

Sa kanya napunta ang symphaty ng nakararami dahil all mine to give nga naman siya sa kanyang papa, ang kaso, he seems to have found another actress who’s more stimulating and attractive kaya nawalan siya ng mood sa rati niyang karelasyon.

Matagal-tagal ding loveless ang young actress at parang nawalan na siya ng ganang umibig pang muli.

Ironically, you seem to find love in some veritably unexpected places.

Kaya sa ngayon, the svelte actress seems to have found happiness in the person of this young actor who’s co-starring with her at the soap both of them are starring in.

Ang kaso lang, appealing and hunky he might be, but the guy’s reportedly a bisexual.

Hahahahahahahaha!

How hurting can you get!

Mas okay na lang siguro ‘yung nasaktan kang babae pa rin ang dahilan kaysa naman ma-hurt ka dahil lalaki ang iyong karibal. Hakhakhak!

Ayokooooooooo! Hahahahahahahaha!

***

Kakaiba pa rin ang arrive ng tandem nina Erich at Enchong

KAHIT nagdi-deadline tayo for our fave tabloid, di namin magawang palampasing di mapanood ang isa sa mga paborito naming soaps on national television, ang Maria la del Barrio featuring our fave actress Erich Gonzales.

Sa totoo, ang husay-husay niyang mag-emote and when she cries, it seems to have emanated from the very core of her existence.

Maraming mahuhusay na artista kaming napanonood sa mga teevee soaps na ‘yan pero kapag si Erich na ang umaarte, napatitigil kami kahit na ano pa ang aming ginagawa.

Iba kasi siya kung umarte, nakadadalang tunay.

Alam naman nating best of friends lang sila ni Enchong Dee pero kapag nag-e-emote na sila sa soap na ‘yun, para bang they seem to be very much in love with each other.

Ganyan kahusay umarte si Erich kaya kahit sinumang kaeksena niya ay nadadalang tunay.

Mapanonood ang Maria la del Barrio araw-araw bago mag-TV Patrol.

***

Nakatutuwang consistent ang dating ng ‘Shake, Rattle & Roll 13’

LABU-LABO ang labanan ng mga entries sa Metro-Manila Film Festival pero nakatutuwang malamang consistent sa number 5 position ang Shake, Rattle & Roll 13 ng Regal Films.

Maganda naman kasi ito at nakaaaliw namang tunay particularly ang episode 1 na Tamawo at ang episode 3 na Rain, Rain Go Away nina Eugene Domingo at Jay Manalo.

Bagama’t hindi raw siya umaasang mananalo sa acting derby, nagustuhan namin ang controlled performance niya sa episode na ‘yun kung saan talaga namang bongga ang mga flooded scenes kung saan riveting ang acting ni Eugene.

‘Yung surprise ending ay talaga namang nakagugulat dahil just when you thought that everything is going to end up smoothly after all the gory killings, may sorpresa pa palang naghihintay sa ‘yo.

Do watch it. It doesn’t disappoint.

***

Ate Vi’s fabled good-naturedness

SA MGA artista natin, si Queenstar Vilma Santos yata ang pinakapaboritong hangaan ng kapwa niya artista.

Very vocal kasi ang Star For All Media na si Kris Aquino sa admiration niya sa unfadingly beautiful na ermats ni Luis Manzano.

Kahit ang Megastar na si Sharon Cuneta ay aminado ring humahanga sa staying power ni Ate Vi.

Even young actress Julia Montes is quite vocal with her fascination with the winsome Batangas governor and so with Coco Martin.

Suffice to say, nakopo talaga ng Queenstar for all seasons ang paghanga ng kanyang mga kasamahan sa industriya by virtue of her being a veritable professional and an ideal mother to boot to her constituents and her own family as well off cam.

Kahit nga sa kanyang mga avid Vilmanians, kitang-kita ang ganda ng kanyang breeding at upbringing.

For unlike other movie fans who are veritably loud and sometime uncouth, her Vilmanians are highly disciplined a lot. Ayaw kasi nilang napipintasan sila dahil magbu-boomerang daw ‘yun sa kanilang idolo.

Oo nga naman.

Anyhow, it’s nice to see movie fans who are highly disciplined and well-bred.

Sometimes, the fans are mere reflections or extensons of their idols personality.

Did I hit the nail right on its head Mr. Jojo Lim?

Agree ba tayo riyan, Willie Fernandez? And what can you say, Master Joey?

‘Yun na! Hahahahahahahaha!

***

Send in those sizzling stories that you know about our fave showbiz personalities at pete_ampoloquio@yahoo.com and #09994269588, #09276557791 and #09223870129 and read them here.

And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply