Matinik si Corona

MATINIK si Chief Justice Renato Corona.

Sa pangalang-pangalan pa lamang, iba na talaga ang may pangalan.

Ang pangalang Renato ay pangalan ng isang lalaking Kastila na ang ibig sabihin ay reborn o ipinanganak uli.

Hindi ko alam kung Born Again si Chief Justice ngunit iyan yata talaga ang pangalang angkop ng isang Italian, Portuguese o Kastilang may ganoong kahulugan.

Hinanap ko rin sa Google ang ibig sabihin ng Renato at laking mangha ko nang mabasa ko ang mga katagang ito:   Meaning: ugly and stupid.

Pero yan naman ay ayon lamang sa isang blog sa internet kaya hindi kayo dapat maniwala agad.

In Spanish, the name Renato means to rise again, sabi nga ng dalubhasa sa wika. The name Renato, ayon sa kanila, ay meaning to rise again.

Eh ano naman ang ibig sabihin ng korona?

Baka hindi kayo maniwala, pero isa sa mga ibig sabihin ng corona ay holiness.

Ayon sa mga nag-aral ng Bibliya, a crown represents Divine good from which is Divine truth.

Medyo malalim yata iyan.

Pero kung ang korona ay divine truth, eh bakit ayaw naman ni Chief Justice Renato Corona at pito pa nyang mga alagad sa Truth Commission?

Sabi ng Supreme Court na pinamumunuan ni Chief Justice, ang target daw ng truth commission ay si Mrs. Gloria Macapagal-Arroyo lamang.

Samakatuwid unconstitutional daw ito.

Ano ba ang ibig sabihin ng unconstitutional?

Dapat ay memorized na ninyo yan.

Unconstitutional ang isang bagay kapag ito ay labag sa Constitution.

Eh sino naman ang magde-decide kung constitutional nga ito o hindi?

Siyempre, ang Korte Suprema.

Eh paano kung ang Chief Justice at mga associate justices niya ang nasasakdal sa isang impeachment court katulad ng Senado?

Siyempre, Supreme Court pa rin ang magde-decide.

At ano kaya ang magiging decision ng Supreme Court sa mga nasasakdal na mga mahistrado?

Pare, mare, dapat knowing na ninyo iyan.

Kung ako ay isang Supreme Court justice, bakit ko naman ide-declare na constitutional ang impeachment?

Ano ako, baliw?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply