Mavs hindi nakaporma sa Heat

APAT na quarters na hindi pinaporma ng Miami Heat ang defending champion Dallas Mavericks upang ilista ang 105-94 panalo ng una sa pagbubukas ng 2011-12 National Basketball Association, (NBA) regular season.

Nag-init ang mga star player ng Neat na sina LeBron James at Dwyane Wade sa opensa upang ibaon ang Mavericks sa 35 puntos na kalamangan sa kalagitnaan ng third canto at naibaba ito sa 32 puntos, 97-65 papasok ng fourth period.

Nangalabaw si James ng 37 puntos, 10 rebounds, six assists at tig-dalawang steals at blocks upang manguna agad ang Heat sa team standings ng Southeast division ng Eastern Conference.

“We tried to play aggressive,” wika ni James. “We’re a focused team. We had a great training camp. We came in with the same mindset we had at practice, use our speed and play with mental focus.”

Kumana ng 26 points, eight boards at anim na assists si Wade upang kahit paano ay maipaghiganti nila ang kanilang kabiguan sa nakaraang NBA Finals.

“Celebration or not, we had a game plan and implemented it,” pahayag naman ni Wade. “We came out and played a good game.”

Humabol ang Mavericks sa last quarter na pinangunahan ni bench player Jason Terry ng ilabas ang big guns ng Miami.

Tumarak si Terry ng 23 puntos habang ang ace player ng Mavericks na si Dirk Nowitzki ay nagtala lamang ng 21 pts. five rebounds at tatlong assists.

Hindi naman masyadong nakatulong ang mga bagong mukha sa Mavericks na sina Vince Carter at Lamar Odom na gumawa lamang ng lima at apat na puntos ayon sa pagkakasunod.

“We’re going to have to forge an identity with this team; it’s a different team,” saad ni Mavs coach Rick Carlisle. “That’s work, and it’s going to take honesty, and it’s not going to be easy.”

Si Carter ang tumikada muna ng dalawang tira para sa Dallas na parehong sablay – isang 18-footer at layup.

Standing ovation mula sa fans ng pumasok si Odom sa hard court.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply