Mavs nasilat pa!

PATULOY na minamalas ang defending champion na Dallas Mavericks matapos nilang matamo ang ikatlong sunod na talo ngayong umaga sa 2011-12 National Basketball Association, (NBA) regular season.

Kinuryente ng Oklahoma City Thunder ang Mavericks, 104-102 upang ilista ng una ang 4-0 win-loss slate at manunga sa Northwest Division ng Western Conference.

Halos hawak na ng Mavs ang panalo matapos isalpak ni Vince Carter ang three-pointer mula sa assist ni Dirk Nowitzki kung saan ay angat sila, 102-101 may 1.4 na lamang ang natitira sa fourth canto.

Tumawag ng full time-out si Thunder coach Scott Brooks at saka ipinasok si Thabo Sefolosha para ilabas si Serge Ibaka.

Pag inbound na-ispatan ni Sefelosha ang star player na kakampi na si Kevin Durant sa bandang gilid sa three-point arc kaya ibinato nito sa huli upang ipasak ang winning shot.

“As a kid, of course you dream about hitting a game-winning shot in the NBA,” masayang wika ni Durant, na kumana ng dalawang game-winners na buzzer beat sa limang laro.

Bumira si Durant ng 30 puntos, 11 rebounds at anim na assists habang nag-ambag sina Russell Westbrook at Ibaka ng tig 16 points.

“It was crazy, a crazy course of events,” sabi pa ni Durant. “When two tough teams always go at it, it always comes down to the last play.”

Hindi naman naging sapat ang ipinakitang laro ni Nowitzki na may 29 puntos, 10 boards at apat na assists kabilang ang perfect 10 sa freethrow dahil hanggang ngayon ay bokya pa sila sa tatlong laro.

Sinegundahan ni Jason Terry si Nowitzki sa opensa na may 16 pts. at nine assists habang si Delonte West ay nagsalpak ng 15 points.

Samantala, nagwagi ang Los Angeles Lakers laban sa New York Knicks, 99-82 upang mapaganda ng una ang kanilang team standing na 2-2 card.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply