May-ari ng eroplanong nag-crash pagbabayarin

TINIYAK ni Parañaque Mayor Jun Bernabe na papanagutin at pagbabayarin ang may-ari ng light aircraft na bumagsak at nagdulot ng sunog sa Merville Subdivision, Brgy. Don Bosco sa Parañaque City kahapon, ikinamatay ng 14 katao.

Ayon sa alkalde, nakuha na nila ang contact number sa kompanya ng Queen Air light aircraft na pagmamay-ari ng isang Atty. Velasquez.

Tinatayang nasa 50 hanggang 100 kabahayan ang nadamay sa pagbagsak ng nasabing eroplano malapit sa F. Serrano Elementary School, Brgy. Don Bosco.

Samantala, may pagkakakilanlan na rin ang anim mula sa 14 namatay sa plane crash. Kinabibilangan ng pilotong si Capt. Timothy Albo, co-pilot na si Josie Luptica, nag-iisang pasahero na si Maricel Garado, at pinaniniwalaang mga residente ng nasabing lugar na sina Maribel Velasco, Margarita Berbera at James Remlon.

Aminado naman ang PNP na nahihirapan sila sa pagkilala ng iba pang mga nasawi dahil sunog na sunog daw ang katawan ng mga ito.

Sa ngayon ayon sa alkalde ay patuloy naman ang pagbibigay ng mga pagkain sa mga residenteng nasunugan.

Habang balak ilipat sa city hospital ang mga nasugatan upang mabawasan ang gastusin ng pamahalaang lokal.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay C/Insp. Enrique Sy ng Parañaque PNP, sinabi nitong posibleng engine trouble ang dahilan ng pagbagsak ng nasabing eroplano base na rin sa salaysay ng ilan sa mga nakasaksi.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply