May-ari ng mga rumagasang troso pananagutin

APAT na barangay sa Iligan City ang naitalang may pinakamaraming namatay dahil sa pagragasa ng tubig baha.

Sa interview kay Iligan City Mayor Lawrence Cruz, kabilang sa mga lugar na ito ay ang Brgy. Santiago, Hinaplanon, Sta. Filomena at Upper Hinaplanon.

Ang mga barangay na ito ay malapit sa ilog kung saan dumaan ang libu-libong troso na sumira sa maraming kabahayan at tulay sa lungsod.

Kaugnay nito, naniniwala ang alkalde na dapat managot sa batas ang kumpanyang may-ari ng mga troso na sumagasa sa tahanan ng maraming residente sa lungsod.

Kaninang umaga sinimulan na kolektahin ang mga naturang troso upang gamiting construction materials sa pagggawa ng mga bahay na nasira.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply