May tinitingnan, may kinikilingan

MAGKASABAY na dininig sa Senado noong Agosto 2010 ang insidente ng Quirino Grandstand Siege at Asuncion Torture case kung saan pawang mga pulis ang idinidiin na may kasalanan.

Walang malinaw na kinalabasan sa Senado ang pagdinig kaugnay sa hostage crisis kung saan walo ang nasawi kabilang ang pitong turista at ang dating pulis na hostage-taker na si Rolando Mendoza dahil hindi rin natumbok kung sino-sino ang dapat na managot dito.

Para sa mga may kaalaman, tulad ng ilang pulis na naging piskal at maging criminal lawyers, dapat na managot din ang Palasyo sa pangyayari dahil sa pagiging usaping nasyonal. Anila, hindi dapat ito hinayaan na lang sa lokal na pamahalaan kung saan ang alkalde ang nagbigay ng utos sa mga pulis.

Dapat na ang Kalihim ng Interior and Local Government at mismong Palasyo ang nag-uutos sa Special Action Force dahil higit na may kakayahan ang mga ito na harapin ang kaso kung saan mga turista ang kinuhang hostage.

Sa kaso ng torture sa Asuncion Police Precinct kung saan isang lalaking nakahiga sa sahig ang nangingisay dahil sa hirap na inabot sa kamay ni Sr. Insp. Joselito Binayug, ang pulis na itinuturong siyang may kagagawan na pagmamaltrato sa preso, ay mabilis na nabigyan ng resolusyon.

Natanggal sa serbisyo si Binayug noong Enero, 2011 at sinasabing nagtuturo na sa isang pribadong paaralan sa Maynila.

May kinahaharap na kaso sa Manila Regional Trial Court si Binayug, kanyang superior na si Supt. Rogelio Rosales, Jr., ang noo’y hepe ng Manila Police District – Meisic Police Station kung saan nakulong ang biktima ng torture, at ilan pang mga kasamahan nilang pulis.

Kamakailan ay nagpalabas na ng warrant of arrest si Judge Tita Bughao Alisuag ng MRTC Branch 1 kaugnay sa kasong torture at pagpatay sa preso. (Itutuloy)

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply