Mayweather Jr. makukulong ng 90 days

MAKUKULONG ng 90 araw si Boxing Champ Floyd Mayweather Jr. dahil sa kasong domestic violence makaraang sentensiyahan ng korte sa Las Vegas, Nevada.

Nabatid sa report ng Associated Press, inilabas ni Justice of the Peace Melissa Saragosa ang hatol kay Mayweather matapos mag-plead ng guilty sa kasong pananakit sa kanyang ex-girlfriend at pagbabanta sa kanyang dalawang anak.

Pinagmumulta rin si Mayweather ng 2,500 dollars, pinadadalo sa domestic violence class sa loob ng isang taon, pinagtatrabaho ng 100 oras na community service at inatasang lumayo sa gulo sa loob ng isang taon.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply