Mçañang, Comelec na ang pinahihirit sa Pasay RTC

BAHALA na ang Commission on Elections (Comelec) na hiritan si Pasay City RTC Judge Jesus Mupas na bawiin ang kanyang naging desisyon na palawigin ang araw ng pananatili ni dating Pangulong Arroyo at payagang gumamit ng cellphone at laptop.

Ang katuwiran ni Presidential spokesman Edwin Lacierda ay hindi naman ang Malakanyang kundi ang komisyon ang naghain ng kaso laban sa dating lider at ang anumang magiging tugon sa nasabing kahilingan ng kampo ni Mrs. Arroyo ay manggagaling sa trial court at hindi pa rin sa Malakanyang.

Kabilang na aniya rito ang naging kahilingan ng kampo ni Mrs. Arroyo na palitan ang bath tub, magkaroon ng partition at kung anu-ano pa.

“The judge has already mentioned that she will be moved on Friday. So I think that should settle all matters on those things. Those are peripheral matters which do not involve the substance of the transfer,” anito sabay sabing “ The judge will be the one who will decide whether to heed the request of the defense.”

Sa ulat, pinaboran ni Pasay City Regional Trial Court Judge Jesus Mupas ang kahilingan ng dating Pangulong Arroyo na mapalawig pa ang pananatili nito ng  St. Luke’s Medical Center sa lungsod ng Taguig.

Nauna nang hiniling ng mga abogado ni Arroyo na maipagpaliban muna ang utos ng korte na mailipat na ito ng government hospital, habang nagpapatuloy ang kaniyang gamutan.

Si Mrs. Arroyo ay una nang na-diagnose na may sakit na colitis.

Matatandaang unang ipinag-utos ni Judge Mupas na ilipat ng Veterans Memorial Medical Center (VMMC) ang dating pangulo bukas.

Sa bagong desisyon  ng hukom, binibigyan si Arroyo ng limang araw para manatili muna ng private hospital.

Samantala, patuloy naman ang ginagawang final touches ng Philippine National Police sa seguridad at preparasyon ng gagawing paglilipat kay Arroyo sa VMMC.

Ayon kay PNP chief Director General Nicanor Bartolome, kabilang pa sa inaayos ay ang kama na gagamitin ng former president sa presidential suite ng hospital.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply