M’cañang positibo sa impeachment vs Corona

KUMPIYANSA ang Malakanyang na may mangyayari sa impeachment case na inihahandang isampa kay Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Ang katuwiran ni Presidential spokesman Edwin Lacierda ay sariling opinyon lamang ni Supreme Court Spokesperson Atty. Jose Midas P. Marquez ang naging pahayag nito na mapupunta lang sa kangkungan ang impeachment complaint laban kay Corona.

“He is free to express his assessment on the impeachment case. So far, there has been no impeachment filed yet against Chief Justice Corona so we cannot comment any further than that. Again, this is an initiative that will be coming from the legislature,” anito.

Depende naman aniya kung may matibay na basehan para i-impeach si Corona.

“Kung sakaling may ihahain po na impeachment complaint, hindi ho natin alam kung ano ang magiging substance po ng impeachment complaint. So we cannot speculate at this point kung—base sa assessment po ni Court Administrator Midas Marquez na mahina—we don’t even know what the substance of the impeachment complain will be if ever one is filed. So we, again, would like to reserve comment on that point,” diing pahayag nito.

Nilinaw naman ng Malakanyang na magpapatuloy pa rin ang kampanya ng administrasyon laban sa katiwalian kahit nananatili sa puwesto si Chief Justice Renato Corona.

Magugunitang matapos ang talumpati ng Pangulong Benigno Aquino III laban kay Corona at sa ilang desisyon ng Korte Suprema, marami ang naniniwalang target ng administrasyon na patalsikin ang chief justice sa puwesto.

Sinabi ngayon ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, hindi naman titigil ang kanilang pagpupursige na mahabol ang mga tiwali nang dahil lamang sa presensya ni Corona.

Ayon pa kay Lacierda, hindi pa nila pinag-uusapan sa Malakanyang ang impeachment laban

kay Corona at bahala na rito ang Kongreso.

Hindi rin umano trabaho ng Ehekutibo ang pagdetermina kung may basehan ang impeachment case laban sa punong mahistrado.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply