Media naisahan ng convoy ni GMA

NAGOYO ng convoy ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang mga nakantabay na mamamahayag nang akalain ng mga ito na sasakyan na nito ang kanilang sinusundan patungong Veterans Memorial Medical Center kaninang umaga.

Dahil pinal na ang desisyon ng PNP na ilipat si Arroyo mula sa St. Luke’s Medical Center sa pamamagitan ng ambulansya ay nagsunuran ang mga mamamahayag sa lumabas na convoy mula sa nasabing ospital.

Kaninang alas-9:00 ng umaga lumabas ang convoy ni dating pangulo patungong VMMC at nagmamadaling sinundan ng media bagama’t nasa kasagsagan ng buhos ng ulan.

Nauna rito, sa chopper sana isasakay Arroyo sa paglilipat sa kanya sa VMMC.

Sa unang report, napagkasunduan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at ng Pasay City Regional Trial Cout (RTC) na sa chopper na lamang isakay ang dating Pangulo upang makaiwas na ito sa traffic at para na rin sa kaligtasan nito.

Bandang alas-9:45 ng umaga nang umalis ang unang convoy mula basement ng ospital na inakalang sinasakyan ni Arroyo.

Ang decoy ay tinutukan ng mga media upang makasabay sa coverage pero napag-alaman na nasa St. Luke’s pa si Arroyo.

Inaasahang ambulansiya ang maglilipat sa dating pangulo sa VMMC at sasamahan ito ng kanyang pamilya at mga dating gabinete.

Ang paglilipat kay Arroyo sa VMMC ay bilang pagtalima sa kautusan ng korte na hospital arrest dahil sa kasong electoral sabotage. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply