Medical waste sa Metro Manila hospitals pinababantayan

IPINAG-UTOS ngayon ng Department of Health  sa Center  for Health Development-Metro Manila ang mahigpit na pagsubaybay sa mga basurang ginamit sa paggamot sa mga ospital.

Ang  kautusan ay ginawa ni Health Secretary Enrique Ona kay Center for Health Development- Metro Manila Regional Director Eduardo C. Janairo matapos na masita ng mga awtoridad  ang truck ng medical waste sa Capas, Tarlac.

Sa ulat ng Tarlac Provincial Police,  ang mga basura na mula sa mga ginamit sa mga pagamutan sa Maynila at dinadala sa pamamagitan ng dump trucks ng Chevalier Enviro Serbisyo mula sa Parañaque.

Ang mga truck ay natagpuan na naglalaman ng basura ng ospital, tao, dugo, at iba’t ibang mga duguan na mga instrumento ng ospital kung saan dapat umanong itapon ito sa Metro Clark Landfill na matatagpuan sa Barangay Kalangitan, Capas, Tarlac.

“We would like to assure the public that government hospitals in Metro Manila, including DOH-retained hospitals and district hospitals, have the capability and resources to properly dispose of their own waste products according to the rules and regulations under the joint DENR-DOH Administrative Order no. 02, series of 2005,” pagtitiyak ni Janairo.

Ayon kay Janairo, ang mga medical waste na na-intercept ng  mga awtoridad ay iyong mula sa ilang mga klinika at ospital na walang pasilidad na makapag dispose na maayos sa kanilang mga medical waste.

“DENR AO No. 2004-36, Chapter 6-2, states how hospital wastes should be disinfected first so that they can no longer be sources of infection. It also directs reduction of waste volume, making waste unrecognizable for aesthetic reasons and recycling of items which can still be used” ayon pa kay Janairo.

Dagdag pa ni Janairo na may mga paraan pa ng tamang pagtatapon ng mga basura mula sa mga ospital tulad ng  pagbaon ito sa lupamalalim baon, autoclave at microwave treatment.

“Biomedical wastes from hospitals are considered hazardous as they include human anatomical waste, animal waste, microbiology and biotechnology waste, sharp waste, discarded medicines and cytotoxic waste.”

“Hospitals and public health care units are supposed to safeguard the health of the community. They should not be irresponsible in disposing their health care waste as it can pose an even greater threat to health than the original.” ayon pa kay Janairo. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply