Mental health care mahalaga sa mga batang biktima ng kalamidad–Sotto

NANINIWALA si Senate President Vicente Sotto III na mahalaga din ang pagbibigay ng serbisyo para sa mental health care ng mga biktima ng bagyong Sendong bukod pa sa mga kagamitan, pagkain at iba pang relief goods.

Dahil dito, kasabay ng pamamahagi ng kitchenware at pagkain sa mga biktima sa Cagayan de Oro City, nagpadala rin ang senador ng isang psychologist para magsagawa ng debfriefing session at makasiguro na natanggap ng mga ito ang di inaasahang trahedya at pagsubok sa buhay lalo na sa kabataan.

Nagsagawa ng debriefing ang psychologist na si Dr. Anna Oaminal-Watin sa kabataan sa Barangay Kauswagan sa tulong ng Parish of Eco Church at Mt. Carmel.

Nabatid ni Watin (na konektado din sa Associated Ship Management) na dapat magkaroon ng isang programa ang gobyerno para sa mga bata at dapat na isagawa sa isang pagsasanay kasama ang kabataan.

Ayon kay Sen. Sotto, isang mahalagang sangkap ng disaster preparedness ay mental health care para sa mga biktima at dapat na magkaroon ang gobyerno ng protocol o standard operating procedure (SOP) sa ganitong sitwasyon sa tuwing darating ang ganitong kalamidad.

Kinatawan ni Sotto sa pamamahagi ng ayuda sa Cagayan de Oro City na hinagupit ni Sendong si Atty. Clarence Paul Oaminal, Dangerous Drugs Board (DDB) ex-deputy.

Kasama din na namahagi ng ayuda si PDEA Region 10 ex-Director Roberto Opeña bagama’t biktima din ng kalamidad ang ilang kawani ng ahensiya.

Ipinagpasalamat ng senador ang tagumpay ng kaniyang relief assistance sa pakikipagtulungan ng parish priests sa lugar.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply