Meri Krismas sa lahat

NAKAPANININDIG-BALAHIBO, Suki, ang paninindigan ng maraming nasalanta ng baha kahit saan.

Akalain ba nating, sa kabila ng mga kamatayan, kasiraan, gutom, sakit at kawalan na dumapo sa kanila, gusto pa rin nilang maranasan ang diwa ng Pasko.

May nagtatayo ng mga masisilungan mula sa mga nawasak na tahanan.

May kumakanta ng mga awiting pamasko.

Lahat ay di nakalilimot na bumati ng Meri Krismas sa isa’t isa.

Kusang lumalabas sa kanilang mga bibig ang mga katagang yaman ng lahi ni Juan.

Sino ang hindi paninindigan ng balahibo niyan?

oOo

Sa dulo ng pagbati, naririyan ang hindi masusukat na pag-asa para sa kinabukasan.

Ang kinagisnan nating lahat na si Hesus ang nasa puso ng nakararami.

Siya ang tunay na sandigan pa rin ng nakararami para magkaroon ng pag-asa sa buhay.

Marahil, ang pagbuhos ng tulong sa lahat ng mga nasalanta ay isang pamamaraan na buhay si Hesus sa puso ng lahat.

At ito ang nadarama ng lahat ng mga nasalanta.

oOo

Sana naman, hindi mabigo ang mga umaasa ng panibagong buhay.

Sana hindi pasukin ng kademonyohan, ng kaluluwa ni Hudas, ang lahat ng mga naghahatid at humawak ng mga tulong na ipinasakamay sa kanila para ipaabot ang mga tulong.

Kung maghuhudas ang mga naghahatid ng tulong, tiyak na karma ang aabutin nila.

Hindi masama na hindi magpagutom at mag-karoon ng kaunting consuelo ang lahat ng mga tumutulong.

Ngunit kung dudugasin, itatago, dadagdag-bawasan, papalitan at aangkinin ng mga naghahatid ng tulong ang para sa mga nakalamidad, tiyak silang susumpain ni Lord.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply