Metro Manila ‘di sakop ng price freeze– DTI

HINDI sakop ang Metro Manila sa mga lugar na may ipinatutupad na price freeze sa mga pangunahing bilihin dahil sa pananalasa ng bagyong Sendong. Ito ang nilinaw ngayon ng Department of Trade and Industry (DTI).

Ayon kay Trade Undersecretary Zenaida Maglaya, na kahit na idineklara ni Pangulong Benigno Aquino III ang national state of calamity, ay sa regions VII, VIII, IX, X, XI at CARAGA lang ipinatutupad ang price freeze.

Ipinaliwag pa ni Maglaya, na kaya idineklara ang national state of calamity ay upang matutukan ng gobyerno ang rehabilitasyon at pag-ayuda sa mga nasalanta ng kalamidad.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply