Mga ahensya ng gobyerno magsasanib sa imbestigasyon sa smuggled bullets

MAGSASANIB-PUWERSA ang Bureau of Customs, National Bureau of Investigation, Criminal Investigation and Detection Group at Philippine Center on Transnational Crime upang matukoy ang tunay na shipper at consignee ng iligal na kargamento na naglalaman ng mga bala at bahagi ng mga baril na nasabat sa Cebu Port .

Ayon kay Ronnie Silvestre, Cebu Customs district collector, ang joint investigation group ay bunsod ng pangangailangan sa manpower at resources para sa track team investigation.

“Kung nagsasagawa ng magkakahiwalay na imbestigasyon ang mga nabanggity na ahensya ay mas makabubuting mag-kaisa na lamang sa kasong ito,” ani Sivestre

Interesado umano ang Pangulong Benigno Aquino III maging ang kalihim ng Department of the Interior and Local Government na si Jesse Robredo sa kahihinatnan ng imbestigasyon dahil isa umanong isyu ito ng national security na kinapapalooban ng mga bala at armas na may posibilidad na gamitin ng mga kalaban ng estado.

Kilala na umano ng Customs ang consignee ng nasabing kargamento ng mga bala – ang D’Golden House Trading Co. – subalit sumulat ang may-ari ng kumpanya na si Nazario Canono  sa Customs collector na ang container van na dumating sa Cebu Port at kinumpiska ng Customs ay hindi kanyang importasyon.

Sinabi naman ni Customs Investigator Rico Mangoya na posibleng naka-address lamang ang kargamento sa D’Golden House dahil maaari itong i-adress kahit kanino kung saan nauna ng naka-address ang ibang kargamento sa isang Renato Ramos at ngayon ay sa isang kumpanya.

Sa resibong natagpuan sa kargamento, ang mga bala ay binili sa AIM Inc. sa Ohio, USA.

Umaasiste rin sa nasabing inbestigasyon ang US Homeland Security. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply