Mga artista dumagsa sa unang gabi ng burol ni Tyron Perez

ILANG mga artista ang dumalaw sa unang gabi ng burol ng yumaong aktor na si Tyron Perez sa Loyola Memorial Park sa Sucat, Parañaque, kagabi (Disyembre 30).

Tila naging reunion ng StarStruck first season ang burol ng 26-anyos na aktor matapos na bumisita ang ilang ka-batch nito sa nasabing reality talent show na ipinalabas sa GMA-7.

Unang dumating si Nadine Samonte na dating na-link sa aktor.

Nandoon din sina Christian Esteban at Yasmien Kurdi na parehong hindi napigilang umiyak nang kapanayamin ng media.

Nakiramay rin sina Alvin Aragon at mga kaibigan na sina Jaycee Parker at Jamilla Obispo.

Naging emosyunal naman si Sheena Halili, na kapwa Starstruck avenger ng yumaong aktor.

Hindi naman nakayanang lapitan ni Anton dela Paz ang kabaong ng kaibigan.

Huwebes ng gabi ng bumulaga ang balitang natagpuang patay si Tyron sa backseat ng kanyang sasakyan, na hinihinalang nag-suicide.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply