Mga batang lansangan, binigyan ng pre-Christmas party

SA KABILA ng nararanasang matinding kahirapan sa bansa ay pinilit pa rin ni Pangulong Benigno Aquino III na bigyan ng pre-Christmas party ang mga batang lansangan.

Kanina ay nagmistulang “ninong” si Pangulong Aquino sa mga batang lansangan kasabay
ng programang Pasko ng Batang Pinoy 2011 sa Lungsod ng Pasay.

Sa naturang Christmas party na inorganisa ng DSWD ay namigay ng regalo ang Chief Executive sa mga batang lansangan na karaniwang namamasko sa gitna ng kalsada.

Kasama ng Pangulong Aquino sa naturang okasyon ang kapatid na si Kris at mga pamangking sina Baby James at Joshua.

Aniya, layunin ng programa na mailayo sa peligro ang mga kabataang palaboy-laboy sa lansangan, masamang epekto ng polusyon at pag-abuso ng mga sindikato sa kabataan.

“Sinisikap po nating ilayo kayo sa peligrong hatid sa paglaboy sa lansangan, sa masamang epekto ng polusyon sa kalusugan, at ang pang-aabuso ng mga sindikato sa inyong kabataan. Nagtatrabaho kami upang itaguyod ang inyong magandang kinabukasan-

ano naman ang inaasahan namin sa inyo? Simple lang: ang maging responsableng kabataan, maging matinong Pilipino,” ani Pangulong Aquino.

At bilang kapalit ay humirit naman ang Pangulong Aquino sa mga bata na pagsunod sa mga batas, pag-aaral ng mabuti, ilayo ang sarili sa mga bisyo at iwasang maging pasaway.

“Habang tinutupad ng pamahalaan ang mga paraan para mabigyan kayo ng edukasyon, ang inyong mga magulang ng matinong trabaho, mabigyan ang inyong mga kapatid at kaibigan ng pagkain at kumot, sana naman ay matulungan n’yo rin kami.”

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply