Mga birhaws, KTV at bar pugad ng prostitusyon

TALAMAK na prostitusyon sa mga KTV, Beerhouse at iba pang mga bahay-aliwan sa Talugtog, Nueva Ecija ang kakalampagin natin ngayon.

Lantaran ang ginagawang bentahan ng laman ng mga nagtatrabahong GRO sa naturang mga sex den.

Ang mga bahay-aliwan na walang takot na nag-ooperate ng prostitution ay ang RRJ o Sawali Bar.

Pawang mga menor de edad ang mga GRO na sa halagang P500 lang ay mailalabas at makase-sex na ng mga kostumer.

Ganundin ang Danela Vi-deoke Bar. Bukod sa mga matatanda na ang GRO ay wala pang mga complete health permit ang mga ito.

Sa Salve Videoke naman ay  talamak din ang sex-trade na animo’y kendi na murang binibili sa mga tindahan ang hilaw na laman.

Maging sa Honeybee Videoke Bar, kahit hindi kumpleto ang health permit ay nakapagtatrabaho ang mga batam-batang GRO.

Ang matindi pa rito, ‘yung mga nagtatrabaho sa munisipyo, sa halip na sila ang mangunang magsumbong kay Mayor Quintino Caspillo Jr. ay sila pa ang mga palaging nagpupunta at tumatambay sa mga bahay-aliwan na ‘yan.

Mayor Caspillo, matatapos na ang inyong termino sa  May, 2013. Simula nang maupo kayo ay wala pang nakikita ang mga kababayan ninyo na nagawa ninyo sa Talugtog, Nueva Ecija.

Mayorrrrrr…umaasa sa iyo ang mga taga-Talugtog, Nueva Ecija na ipasasara ninyo ang mga bahay-aliwan na sentro ng prostitution.

Kailan? He..he..he..he..

UNTOUCHABLE PA RIN

HINDI pa rin daw tumitigil sa pagpapa-lotteng ang mga operator na sina Greg at Cham na kapwa mga tauhan ni Gov.Joseph Cua.

Malakas at di matitinag ang pa-lotteng ng mga tauhan ni Gobernor dahil sa hawak nila ang lahat.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply