Mga bus paaandarin gamit ang halong LPG, diesel

NAIS ng Department of Energy (DOE) sa mga operator ng bus na subukan ang paggamit ng halong diesel at liquified petroleum gas (LPG) sa pagpapatakbo ng sasakyan kasunod ng serye ng pagtataas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa international market.

Sakaling umubra, sinabi ng DOE na aabot sa halos 10 porsyento ang matitipid ng mga driver dahil wala pang P30 ang litro ng LPG kumpara sa mahigit P45 naman na litro ng diesel.

Pero ang problema ng karamihan sa mga operator ay kung saan nila kukunin ang mahigit P150, 000 na halaga ng bawat diesel-auto-lpg kit.

Kaya hiling nila, sana ay matulungan sila ng gobyerno.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply