Mga estudyante sa Iligan City balik-eskwela na sa Enero 3

TULOY na ang pagbabalik-eskwela ng mga estudyante sa Iligan City, isa sa sinalanta ng bagyong Sendong, sa Miyerkules, Enero 3.

Ayon kay Roy Dagaso, assistant division schools superintendent ng Iligan, na hindi ililipat sa Pebrero ang pagbabalik eskwela kahit pa humingi ng palugit ang lokal na pamahalaan.

Matatandaan na una nang hiniling ni Iligan Mayor Lawrence Cruz na ipagpaliban ang pagbabalik eskwela dahil ginagawang evacuation centers ang mga paaralan.

Iginiit naman ni Dagaso, na magiging epektibo ang pagpasok ng mga estudyante dahil mabibigyan umano nila ng tulong ang mga bata.

Dagdag pa ni Dagoso, naghanda ang Department of Education ng “alternative modes of learning.”

Ang libu-libong pamilya na pansamantalang nanunuluyan sa Tambacan Elemenentary School ay pinalilipat na sa mga tent na ibinigay ng non-government organization (NGO) para magamit ng mga estudyante ang mga silid-aralan.

Nag-donate naman ang United Nations Children’s Fund (Unicef) ng mga bag, school supplies at laruan na ipamimigay sa mga bata sa unang araw ng pasukan sa Enero 3, ayon kay Dagoso.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply