Mga kongresista tutulong sa biktima ng bagyo

NANAWAGAN ngayon ang isang mambabatas na itigil muna ang anumang party at bangayan ukol sa impeachment upang pagtuunan ng pansin ang naganap na trahedya sa Cagayan de Oro City.

Sinabi ni Alagad Party-list Rep. Rodante Marcoleta na makabubuting pansamantalang kalimutan ang alinmang bangayan sa pulitika sa mga panahong ito at sa halip ay tulungan ang mga biktima ng trahedya sa CDO at Iligan.

Isang resolusyon ang inihain ng mga kongresista sa pangunguna nina House Speaker Feliciano Belmonte at An Waray Party-list Rep. Florencio “Bem” Noel na nagsusulong na magbigay ang bawat mambabatas ng tig-P20,000 sa mga nasalanta ng bagyong Sendong sa Cagayan de Oro City at Iligan City.

Kasabay nito, umapela si Marcoleta na kahit ang isang buwang sahod ng mga kongresista ay maaaring likumin upang itulong sa mga biktima bagama’t nauna na siyang nakapagpadala kay Abante Mindanao Party-list Rep. Maximo Rodriguez ng may 25 kabang bigas bilang paunang tulong.

Sa isang press conference, sinabi ni Belmonte na isang resolusyon (HR 2017) na ang kanilang pina-ikot sa Kamara na nag-oobliga na magbigay ng tig-P20,000 kada kongresista.

Magbibigay naman sina Belmonte at An Waray Rep. Bem Noel, chairman ng house committee on accounts ng tig-P100.000.

Bukod pa dito ang inihandang mga bigas, pagkain at used clothing para sa mga nasalanta ng bagyo.

Sinabi naman ni Noel na magbibigay din ang Kamara ng P1 milyon sa DSWD at P500,000 para namam sa Red Cross.

Nagbigay naman ng 25 sako ng bigas at isang buwang sahod si Alagad Party-list Rep. Rodante Marcoleta sa mga nasalanta ng bagyo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply