Mga magulang ni KC Concepcion di tanggap ang public apology ni Piolo Pascual

TAKANG-TAKA naman ang kampo nina KC Concepcion at magulang nito na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion sa paghingi ng public apology ni Piolo Pascual hinggil sa break-up nila ni KC.

Palaisipan pa rin nga para sa kampo ni KC kung bakit nag-public apology itong si Piolo sa publiko.

Ginagawa nga lang daw ito ng isang pulitiko na nagkasala sa bayan pero hindi naman politician si Piolo.

Kaya naman nagtaasan ng kilay ang kampo ni KC sa paghingi ng public apology ng aktor.

Kahit sina Gabo at Shawie ay hindi pabor sa ginawa nitong paghingi ng public apology.

Hindi naman daw sa publiko nagkasala si Piolo kundi dito kay KC kaya bakit daw sa publiko ito nagso-sorry?

Natatawa nga ang ilang critics sa paghingi ng public apology ng aktor para sa break up nila ni KC.

Hindi nga raw makuha ang logic at bakit kailangang sa publiko siya humingi ng sorry.

Till now, kahit nga may nararamdamang krisis sa buhay itong si KC ay nandoon pa rin ang kanyang magulang na nakaagapay at nakasuporta sa kanya nang bonggang-bongga.

Hindi pa rin daw nila maintindihan ang paghingi ng sorry ni Piolo sa publiko.

Oo nga naman bakit nga ba, Aaron Domingo?

00000

ANG patok na portion ng Eat Bulaga ay ang Juan For All, All for Juan sugod bahay na hatid sa inyo ng Coke at puregold. Maraming Barangay sa buong Pilipinas ang natutulungan ng number one noontime show dahil katakot-takot na pera ang ipinamimigay sa mga kababayan natin. Kitang-kita naman ang tuwa at saya ng mga contestant kapag nananalo sila.Kaya suportahan natin ang Eat Bulaga para tuloy-tuloy ang hatid saya nito sa mga kababayan natin. Mula Lunes hanggang Sabado sa GMA-7.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply