Mga OFWs sa Syria ayaw payagang makauwi ng kanilang amo

HINDI pinapayagan ng kanilang employer na makauwi ng Pilipinas ang ilang Overseas Filipino Workers (OFWs) na nasa Syria.

Sa panayam ng dzMM kay Jesil Ellaga, isang Pinay worker sa Damascus, ayaw siyang payagang umuwi ng kanyang employer nang magsabi siyang babalik na ng Pilipinas habang ganito rin naman ang sitwasyon ng isa pang Pinay sa Damascus na si Isadora Yapi na Pebrero lang dumating sa Syria.

Ayon kay Yapi, hindi na niya inulit na magsabi sa among babalik na siya ng Pilipinas hanggang hindi pa muling nakakausap ang embahada.

Kapwa naman may kontak sa Embahada ng Pilipinas sina Ellaga at Yapi na sinabihan silang naghihintay na lang ng budget mula sa gobyerno para makabalik na ng Pilipinas.

Nabatid pa na bukod sa dalawa, hindi rin pinapayagan ng kanyang amo na makauwi sa Pilipinas ang OFW na si Myra Cantiller.

Ayon din kay Cantiller sa isang panayam sa dzMM, may contact naman siya sa embahada at regular siyang tinatawagan at inaalam ang kanyang sitwasyon sa Daraa.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply