Mga ospital naka-alerto na sa pagsalubong sa Bagong Taon

HANDANG-HANDA na ngayon ang mga hospital sa pagdagsa ng mga mapuputukan sa pagsalubong sa Bagong Taon mamayang gabi.

Sa Quezon City – nakaalerto na ang isa sa mga pinakamalaking government hospital na East Avenue Medical Center.

Sa Quirino Memorial Medical Center ay naka-handa na rin ang mga folding bed at 24 surgeon na magpapalitan ng duty hanggang bukas (Enero 1, 2012).

Maging ang kanilang medical team na sasalubong sa Bagong Taon ay all-set na rin.

Samantala, balik-normal na ang sitwasyon sa Ninoy Aquino International Airport isang araw bago ang Bagong Taon.

Partikular dito ang terminal 1 at 3 kung saan kakaunti na lang ang mga pasahero.

Inaasahan na muling dadagsa ang mga biyahero sa pagpasok ng bagong taon.

Tiniyak naman ng pamunuan ng NAIA na nakahanda na rin ang kanilang mga airport personnel sa susunod na mga araw para naman sa mga uuwi.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply