Mga ospital sa Western Visayas naka-code white alert na

HANDA na at nasa code white alert na ang mga ospital sa Western Visayas dahil sa inaasahang magiging biktima ng paputok sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Tiniyak ng pamunuan ng Western Visayas Medical Center (WVMC) na mayroon silang sapat na suplay ng anti-tetanus vaccine.

Bukod sa mga naka-duty na personnel, ay on-call na rin ang iba pang empleyado nito sa oras na kakailanganin ang kanilang tulong.

Batay sa talaan ng Department of Health (DOH) – Western Visayas, apat pa lang ang nabiktima ng paputok mula Disyembre 21 hanggang noong Pasko (Disyembre 25).

Isa sa apat na biktima ay isinugod sa Corazon Locsin Montelibano Memorial Regional Hospital na naputukan ng kwitis ang kamay.

Dinala naman ang tatlong biktima sa WVMC, kung saan dalawa sa mga ito ay nasabugan sa mata at isa ang naputukan ng trianggulo sa kamay.

Patuloy pa rin ang monitoring ng DOH lalo na ngayong iilang araw na lang at Bagong Taon na.

Nagpapaalala rin ulit ang ahensya sa publiko na iwasan na ang pagpapaputok ngunit kung hindi talaga matiis ay pinapayuhan ang local government units (LGUs) na gumawa ng aktibidad ng mga pagtatanghal para sa pagdiriwang ng Bagong Taon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply