Mga Pabrika ng paputok sa Bulacan iinspeksyunin ng DOH

MAG-IINSPEKSYON ang Department of Health (DOH) sa pabrika ng paputok sa Bulacan ngayong araw.

Ito ay pangungunahan ni Health Scretary Enrique Ona na direktang makikipag-ugnayan kay Bocaue Mayor Edardo Villanueva at Bulacan Governor Alvarado.

Ayon kay Ona, nais nilang makatiyak na walang malakas na uri ng paputok na ginagawa ang mga pabrika doon upang makaiwas na makapagdulot ng aksidente at sunog sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Nabatid na bukod sa Bulacan ay sisimulan na rin ng DOH ang pag-iikot sa iba pang pamilihan upang masiguro ang mga ibinebentang paputok ay naaayon sa panuntunan ng Department of Trade and Industry at nang kanilang mga ahensya.

Umaasa naman si Ona na maging matagumpay ang inilunsad nilang programa na “APIR”  o Action Paputok Injury Reduction at wala nang maging biktima pa ng paputok.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply