Mga Pinoy nagprotesta sa Toyota Phils. sa Kyoto

NAKAKUHA ng suporta sa ilang Japanese organization ang mga manggagawang Filipino ng Toyota Motor Philippines ng magsagawa ang mga ito ng protesta sa isang train station na malapit sa pinagdadausan ng International Labor Organization 15th Asia and Asia Pacific Regional Meeting na ginanap sa Kyoto International Convention Center.

Ipinoprotesta ng mga manggagawa ang pagkakatanggal sa trabaho ng 233 empleyado ng Toyota Philippines noong 2001 at apat pa nito lamang 2010.

Ayon kay Ed Cubelo, pangulo ng Toyota Motor Phil. Corporation Workers Association at si Wenecito Urgel, bise presidente ng union, nagtungo sila sa Japan sa mismong International Labor Organization Conference upang marinig ng International business community, lalo na ng Toyota Japan ang nangyayari sa kanilng manggagawa sa Pilipinas.

Sinabi naman ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz na dumalo sa nasabing pagtitipon sa Kyoto, na nakipag-usap siya sa dalawang lider ng manggagawa sa labas ng ILO meeting at sinabi na inirekomenda ng ILO sa dalawa ang “out of the box” na solusyon sa nasabing labor dispute.

Tumatanggi na umanong makipag-usap ang Toyota Phils. na pag-usapan pa ang isyu dahil pinagtibay na umano ng Supreme Court ang desisyon ng kumpanya sa pagkakadismis sa serbisyo ng 233 na empleyado. Hindi rin umano kinikilala ng Toyota Phils. ang TMPCWA.

Sa kaso naman ng huling apat na tinanggal ay ani Baldoz na nakabinbin pa ang usapin sa National Labor Relations.

Inatasan na rin ni Baldoz si Undersecretary Hans Cacdac na magdaos ng pag-uusap sa isyu ng apat na natanggal sa serbisyo.

Ipinayo rin ni Baldoz na dapat na mag-usap ang dalawang kampo sa isang solusyon na labas sa korte dahil tapos na ito upang magkasundo at maibsan ang matagal ng hidwaan na aniya ay makukuha sa magandang pag-uusap.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply