Mga Pinoy naniniwala pa rin kay PNoy– Pulse Asia

MARAMI pa ring Filipino ang patuloy na naniniwala kay Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III sa kabila ng mga isyu at problemang kinakaharap nito, ayon sa pinakahuling survey ng Pulse Asia.

Base sa survey na ginawa ng Pulse Asia mula Nobyembre 10 hanggang 23, nakakuha si Pangulong Aquino ng 72% approval rating at 74% trust rating.

Mababa naman sa isa sa bawat sampung (10) Pinoy ang walang tiwala sa kanya.

Kabilang sa mga maiinit na isyu nang isinagawang survey ay may kinalaman sa arrest warrant ni dating Pangulong Gloria Arroyo, desisyon ng Korte Suprema sa Hacienda Luisita, Association of Southeast Asia Nations (ASEAN) at Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) summits.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply