Mga propesyunal pinadadalo sa pagdinig sa BIR circular

IMINUNGJAHI ni Rep. Winston Castelo (2nd District, Quezon City) sa House committee on ways and means na isama sa mga iimbitahan sa susunod na pagdinig ng komite ang mga doktor, abogado at iba pang propesyunal upang magsilbing resource persons sa pagdinig ng kontrobersiyal na circular na ipinalabas ng Bureau of Internal Revenue na nag-uutos na magbigay ng dagdag na detalyadong impormasyon ng kita ang bawat taxpayers.

Sa pamamagitan ng House Resolution 1911, nais imbitahan ni Castelo ang lahat ng apektadong mamamayan upang magbigay linaw kung ano ang kanilang agam-agam at saloobin hinggil sa kautusan ng BIR.

Nais ni Castelo na malinawan sa mga nilalaman ng tinatawag na Detailed Income Report form at kung papaano na ang dokumentong ito ay posibleng magamit sa perjury laban mismo sa taxpayer na nagsumite nito sakaling may mga maling impormasyong mailagay sa nabanggit na form.

“This is especially amid warnings or advisories of the BIR urging taxpayers such as doctors, lawyers and like professionals to comply with tax laws and file their income tax returns,” paliwanag pa ni Castelo.

Batay sa bagong kautusang ipinalabas ng BIR, inaatasan ang lahat ng taxpayers na magbigay ng detalyadong income report sa kanilang income tax returns at ang kautusang ito ay ipatutupad na sa susunod na pagbabayad ng buwis sa darating na Abril 2012 sa gitna ng pagtutol ng maraming mambabatas dahil na rin sa umano’y iligalidad ng kautusang ito, ani Castelo.

“Ipinagpapalagay din maaaring nasasapawan na ng kautusang ito ang kapangyarihan ng Kongreso na siyang may karapatang bumuo ng mga regulasyon at batas hinggil sa pagbabayad ng buwis at mga kaakibat na batas hinggil dito. Maaari ring salungat ang kautusang ito ng BIR sa isinasaad ng kasalukuyang batas hinggil sa Bank Secrecy Law,” dagdag pa ni Castelo.

Dapat din umanong magpakita ang BIR o ang Department of Finance ng batayan kung bakit kinakailangang magsumite pa ang mga nagbabayad ng buwis ng kanilang detalyadong pinagkakakitaan kasama ng kanilang ITR sa pagbabayad ng buwis sa April 2012.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply