Mga pulis pag nakatoma sekyu pinagtitripan

ANO ba namang mga pulis itong nasa Labo, Camarines Norte? Kapag nalalasing daw ang mga tarantadong ito ay napagtitripan nila ang mga guwardiya sa Labo Camarines Norte.

Tinatakot ang mga guwardiya na kesyo walang lisensya o walang anomang papeles at saka bigla na lamang nilang pagbabatukan ang mga pobreng ito.

Ang tanong: tama po ba ang ginagawang ito ng mga tarantadong pulis ng Labo Camarines Norte?

Basahin natin ang nilalaman na mga text message mula sa text tipster.

Sir, good pm. I’m one of  your avid readers sa yong kolum na Juan de Sabog. Just call me TAGZ’28.

Pakibanat naman po sa kolum niyo yung ginagawa sa mga pobreng guard sa Labo, Camarines Norte. May mga pulis dito na pinagtitripan ang mga guwardiya. Tinatakot pa kesyo mga walang lisensiya o walang papel ang mga guwardiya.

Ang masakit basta na lang babatukan at tatakutin ang mga ito. Ang isa sa mga pulis ay nakilala lang sa kanyang pangalan na Valeros daw.

Nagtatrabaho lang naman ang mga guard nang maayos pero ganyan ang ginagawa ng mga balasubas na pulis.

Sir Juan de Sabog pakibulabog lang po. Salamat, concerned citizen.

Don’t publish my cp number. Thanks and more power to your column at Remate.

SAUNA  FRONT NG PROSTITUSYON

Muli nating silipin ang talamak na ‘prostitusyon’ na ginagawa sa Lapu-Lapu Sauna Bath sa Buendia St., Pasay City.

Hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang talamak na operasyon ng sex trade sa nasabing sauna parlor.

Bilib ako sa tibay at impluwensya ng sauna na ito dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ito natitinag.

Ang balita ko malakas daw ito kay Pasay City Mayor Antonio Calixto.

Anoman ang reklamo o puna, i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-e-mail sa juandesabog@yahoo.com.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply