Mga pulis, tindero ng paputok nagbarilan; 1 parak tigbak

DALAWANG araw bago mag-Bagong Taon, nagkabarilan ang mga tauhan ng Quezon City Police District at 12 katao na umano ay nagbebenta ng illegal na paputok sa North Fairview, Quezon City.

Sa naturang insidente, isang pulis Kyusi ang naiulat na namatay na kinilalang si PO2 Bernardi Quintero ng QCPD Station 5 Fairview.

Namatay sa Fairview General Hospital (FEU) si Quintero habang nilalapatan ng lunas..

Sugatan naman ang isa pang pulis na si PO2 Jessie Adajar na ginagamot din sa naturang pagamutan.

Batay sa ulat ng QC Police District Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) dakong 11:00 ng umaga kanina nang maganap ang barilan sa North Fairview Subdivision, Fairview, QC habang nagsasagawa ng kampanya ang mga pulis laban sa iligal na paputok sa lugar.

Sinabi sa ulat, na ang mga suspek ay nagbebenta ng iligal na paputok dahilan para magsagawa ng operasyon ang mga tauhan ng Kyusi pulis.

Nabatid sa ulat na dalawang babae at dalawang lalaki ang nadakip ng mga pulis sa naturang operasyon at ang isa sa mga lalaki ay bodyguard umano ng isang kalihim sa Mindanao.

Armado rin ang mga suspek ng malalakas na kalibre ng baril na agad na nagsitakas matapos ang pamamaril sa mga alagad ng bata dahilan para mamatay ang isang pulis at malubhang masugatan ang isa pa.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply