Mga rating ni PNoy kaloob ng taumbayan

MGA pangarap at adhikain ng mamamayang Filipino ang siyang kinakatawan ni Pang. Noynoy Aquino kaya patuloy ang pagsuporta sa kanya ng maraming  mamamayan sa kabila ng maraming pagsubok na dinaranas nito, ayon kay Executive Sec. Jojo Ochoa.

Nanatiling mataas ang trust (74%) at approval (72%) ratings ni PNoy sa kabila ng tila pagsagka ng mga mahistrado ng Korte Suprema sa popular na reporma laban sa korapsiyon at sa mga pangyayaring pulitikal na ibinunga ng paghaharap ng mga sakdal laban kay Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

“Ang mataas na ratings at popularidad ng Pangulo ay kaloob ng taumbayan at sa kanyang pagiging sagisag ng pagbabago,” ayon sa kalihim.

Kasabay nito ay inihayag din ni PNoy sa isang okasyon sa Hotel Sofitel na sa taumbayan lamang siya maninikluhod dahil nananatiling sila ang kanyang boss na itinadhana ng Konstitusyon ng bansa.

Ipinagmalaki rin ni PNoy na ang taumbayan  ang nagsa-sabi kung ano ang direksyon natin.

Sinabi pa ni PNoy na batid ng mamamayan kung ano ang mga problema  at hamon na kinahaharap ng  bansa at tinatapat niya sila sa masasama at magagandang balita.

Ayon pa kay Ochoa,  binigyang diin ng Pangulo na puspusan ang kanyang pagsisikap para lunasan ang mga suliranin ng bansa at ito ay kanya nang nasimulan bagama’t hindi lahat ng suliranin ay karakang malulunasan.

VK NI KAPITANA, PADER

Wow hindi talaga kumikilos ang kapulisan ng Dagupan City, Pangasinan para hulihin ang mga videokarera (VK) ni Kapitana Bebot dela Cruz sa Dagupan.

Wala raw ginagawa si COP Supt. Romeo Caramat para mapatigil ang salot na mga VK ni kapitana.

Palibhasa malaki ang lingguhan ni Caramat kay Kapitana Bebot.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply