Mga sakit ikinababahalang kumalat sa evacuation centers

PINANGANGAMBAHAN ngayon ng mga evacuee at mga opisyal ang posibleng paglaganap ng sakit sa iba’t ibang evacuation centers sa Cagayan de Oro.

Ang pangamba ay matapos na sunod-sunod na magkasakit ang mga bata at mga matatanda dahil sa maruming paligid.

Karamihan sa mga bata ay nagkakaroon ng sipon, ubo at diarrhea na dinaranas na rin ng matatanda na nanunuluyan sa evacuation centers.

Ikinababahala naman ngayon ang posibleng pag-atake rin ng cholera sa mga evacuation center dahil sa kontaminadong tubig.

Bago mag-Pasko, isang matandang lalaki na kinilalang si Raul Candiongco ang namatay umano dahil asthma sa loob ng evacuation center sa Barangay Carmen.

Inatake naman sa puso ang isa pang lolo na si Lodeo Galdo noong Pasko at ayon sa asawa nito, ay hindi pa rin nito matanggap ang nangyari sa pamilya.

Payo nang mga health official na panatilihin ang kalinisan sa mga evacuation center upang makaiwas sa mga saki.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply