Mga sinulat ni Rizal totoo pa rin ngayon

GUGUNITAIN sa Biyernes ng buong bansa ang pagbitay kay Dr. Jose P. Rizal, bayaning pambansa, sa pamamagitan ng “firing squad’’ limang araw pagkatapos ng pagdiriwang ng Pasko noong Disyembre 30, 1895.

Gaya ng nakaugalian, lundo ng taunang mga paggunita ang kanyang dambana sa Rizal Park (dating Bagumbayan at dati ring Luneta) na kung saan siya nagbuwis ng buhay para sa Inang Bayan at sa halos lahat ng plasa sa mga bayan-bayan na may itinayong monument para sa kanyang karangalan.

May mga programa ring inihanda sa mga pook na nabanggit lalung-lalu nasa mga dambana kay Dr. Rizal sa Calamba, Laguna bayang kanyang sinilangan at sa kanyang bantayog sa Luneta na kung saan nakalagak ang kanyang labi o relekya.

Maitatanong natin: May katuturan pa ba si Dr.Rizal sa kasalukuyang panahon? Ito ang karaniwang paksa na tinatalakay ng mga panauhing pandangal at mananalumpati sa tuwing sumasapit  kanyang kaarawan tuwing Hunyo 19 at ng araw ng kanyang kamatayan tuwing Dis. 30

Sa isang mensahe, minsang sinagot ng Pangulong Benigno Aquino III ang katanungang ito sa pamamagitan ng isang panawagan  sa mga Pilipino na tumulad sa pagka-bayani ni Dr. Jose Rizal sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay na tulad ng “kanyang paglakad sa matuwid na landas mula sa pagka-bata haggang sa tumanda”.

Bagamat galing sa maykayang pamilya, sinabi ng Pangulo na kung ginusto ni Rizal ay maaaring ginamit na lang niya ang kanyang yaman at pinag-aralan upang lalung maging mariwasa pa sa buhay at makapag-asawa ng sinuman niyang mapupusuan, ngunit mas pinili niya na maitama ang mga inhustisya laban sa inang bayan.

Sinabi ni Aquino na ang hirap na pinagdaanan ng mga Pilipino noong panahon ni Rizal ay pareho ring  mga karanasan ng mga Pilipino ngayon. Halimbawa: Dapat bang magbayad ng tamang buwis? Tumawid sa maling tawiran? Gumawa ng kurupsiyon at mang-api ng kapwa?

Hindi kami nagtataka na magpahangga ngayon ay patuloy ang pag-uukol ng paghanga, pagmamahal at paggalang ng mga Pilipino kay Rizal.

Ang araw ng paggunita kay Dr. Rizal ay naging tradisyon na ng mga Pilipino tuwing sumasapit ang kanyang kaarawan at araw ng kanyang pagka-martir dahilan sa patuloy na di pagkaputol ng kanyang kaugnayan sa sumunod na mga henerayon ng mga Pilipino sa pamamagitan ng walang kamatayang mga nobela, tula at sanaysay na kanyang sinulat.

Sa ganang amin, mananatili ang pagkakaukol (relevance) ni Rizal sa ating panahon kailanma’t hindi natin natatamo ang kalayaang pangkabuhayan, pambang pagkakaisa, katapusan ng mga katiwalian sa lipunan at sa pamahalaan, mga kaso ng inhustisya: mga problemang tinalakay niya sa kanyang mga sinulat.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply