Mga tsikiting pinasaya ng mga mascot sa Rizal Park

PINASAYA ng pamunuan ng National Parks Development Committee (NPDC) ang mga bata sa pamamagitan ng 50 iba’t ibang mascot kabilang ang mga kilalang cartoon characters na pumarada sa makasaysayang Rizal Park kagabi (Disyembre 4).

Ayon kay NDPC Executive Director Juliet Villegas, ang parada ng iba’t ibang mascot ay patikim lamang sa kanilang isasagawang mahabang aktibidades para sa publiko ngayong buwan ng Disyembre o panahon ng Kapskuhan.

Bukod sa parada ng mga mascot na tinaguriang “1st Rizal Park Mascots on Parade”, nakisaya rin ang mga tsikiting sa inihandang magical show, bubble show, balloon twisting, face painting at raffle draw.

Naniniwala si Villegas na magandang pagkakataon ang nasabing okasyon para maipasyal ang mga bata kasama ang pamilya para makapag-bonding.

“Ang ganitong klase ng event ay isang magandang pagkakataon sa bawat pamilyang Pilipino. Isang makabuluhan at produktibong bonding o pagsasama-sama ng bawat miyembro ng pamilya. Kaya naman hinikayat natin ang ating mga kababayang Pilipino na pumunta sa Rizal Park, dalhin ang kanilang mga mahal sa buhay, kaibigan at makisaya sa ating mga inihahandang programa aktibidad para sa kanila,” pahayag ni Villegas

Ayon kay Villegas, ang naturang mga mascot ay makikita sa Luneta isang beses kada linggo ngayong Christmas season.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply