Midas Marquez inisnab sa Malacañang event

DUMATING man sa Malacañang si Supreme Court (SC) Administrator Midas Marquez para sa awarding ceremony sa loob ng Palasyo ay waring inisnab naman ang kanyang presensiya.

Ngayong hapon, ginawaran ang awardees sa 2011 Lupong Tagapamayapa Incentives kung saan kasama sana sa program si Justice Marquez bilang isa sa magbibigay ng award.

Dumating sa oras si Marquez pero hindi umano siya tinawag para paakyatin sa stage ng mga alalay ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa awarding rites.

Nabatid na tanging sina Justice Sec. Leila de Lima at Interior Sec. Jesse Robredo ang tinawag sa stage.

Sa huli, tanging sa picture-taking na lang nakasali si Marquez nang yayain siya ni Robredo matapos ipatawag umano ni PNoy.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply