MILF umalma sa pagkakaaresto ng Political leader at anak nito

NAGPROTESTA ang pamunuan ng Moro Islamic Liberation Front sa pagkaka-aresto ng isa sa kanilang political leader at anak nito noong ika-14 ng Disyembre sa lalawigan ng Saranggani.

Ang sulat ni MILF Coordinating Committee for the Cessation of Hostilities (CCCH) head Said Sheik ay naka-address kay Brig. Gen. Ariel Bernardo, ang kanyang counter-part sa panig ng gobyerno ng Pilipinas.

Base sa sulat ni Sheik, ang kanilang lider na hindi pinangalanan ay inaresto ng walang warrant of arrest, gayundin ang kanyang anak na si Muhar Udda.

Nagkaroon umano ng raid sa bahay ng MILF lider at nakuha umano dito ang isang M-14 rifle na.

Iginiit ni Sheik na hayagan paglabag umano ito sa pinirmahan ng ceasefire agreement ng MILF at ng pamahalaan.

Kanyang hiniling na kaagad palayain ang kanilang lider at anak nitong si Muhar.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply