Milo Rivera namayagpag sa huling round ng 2011 Slalom

SI MILO Rivera ng Fern C Racing team ang nakapag-uwi ng titulo ng Production and Overall Best Time of the Day sa ginanap na Slalom noong nakaraang linggo.

Ang 12th leg ng National Slalom Series na pinangungunahan ng RACE Motorsports Club ay ang huling round ng Slalom para sa taong ito.

Napag-iwanan ng binatilyong si Rivera ang mga bigatin ng National Slalom Series na sina Dr. Peewee Mendiola at Noel Rivera sa oras niyang 48.68s. Ang Big Man ng Big Chill Racing Team na si Mendiola ay pumangalawa sa oras niyang 49.02s habang ang teammate, ninong at guro ni Milo na si Noel ay nakapagtala ng 49.74s at pumasok sa top 3.

Liban sa pagkakapwesto sa 4th spot sa Production & Overall category, inuwi rin ni Nino Sarte ng DKC Racing ang titulo para sa Frontwheel Overall Best Time of the Day; 49.88s ang pinakamabilis na oras na naitala ni Sarte noong araw na iyon. Ang main man ng Autofastion Racing Team na si Jevoy Moreno ang kumumpleto sa top 5.

Maswerte ang Big Chill Racing team sa kanilang mga driver at isa na nga riyan si Abet Reyes na nakapagtala ng 52.66s at naiuwi niya ang Novice Best Time of the Day; 2nd placer si Pompy Yambao sa oras niyang 52.94s.

Ang huling leg ng 2011 National Slalom Series ay ginanap sa SM City Sucat at suportado ng BATTERY, DUBSHOP MAGWHEELS, STARBRIGHT BODYKITS, TRIPNOTIC LAB CREATIVE MEDIA EXPERIMENTS, STOP LIGHT TV, C MAGAZINE, WHEEL TO WHEEL MAGAZINE,WWW.AUTO INDUSTRIA.COM., KOTSE.COM, TURBO TIME, PINOYSPEED, INSIDE MOTORING, AUTO TRANSPORTER, SM CITY SUCAT at ng SM SUPERMALLS.

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring niyong bisitahin ang www.racemotorsports.com.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply