Mindoro, Metro Manila niyanig ng 5.3 lindol

ISANG magnitude-5.3 lakas ng lindol ang yumanig sa Mindoro at katimugang Luzon kaninang tanghali.

Sinabi ni Renato Solidum ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology,  ang nasabing lindol ay naitala pasado alas 12:27 ng tanghali kanina .

Ayon kay Solidum, kinukonsidera nilang nasa kategoryang moderately strong ang nasabing lindol.

Sa inisyal na ulat, naramdaman din ang nasabing pagyanig sa ilang bahagi ng Metro Manila pero hindi naman aniya lilikha ng pinsala na maaaring magdulot ng tsunami.

Ang sentro ng lindol ay tinatayang nasa layong 31 kilometro sa kanlurang bahagi ng Mamburao, sa Mindoro.

Naramdaman ang  Intensity 4 sa Paluan, Occidental Mindoro Calapan City, Oriental Mindoro at Batangas City, habang intensity 3 naman sa  Puerto Galera, Mompog at Marinduque.

Sa naging pagtaya naman ng United States Geological Survey, ang lindol ay inisyal nilang naitala sa lakas na magnitude 5.3, at naitala pasado alas 12:27  ng tanghali na ang sentro ay nasa Mindoro area, at 58 km west-southwest ng Calapan, Mindoro,  74 km, southwest of Batangas at 160 km south-southwest ng Manila.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply