Mining, logging operation permit sa Mindanao pinakakansela

PINAKAKANSELA ngayon ng Gabriela Party-list Group kay Pangulong Benigno Aquino III ang lahat ng mining at logging operation permit sa Mindanao.

Hinimok rin ang Gabriela kay Pangulong Aquino na sertipikahang “urgent” ang House Bill 5276 o ang Mindanao River Systems Rehabilitation and Conservation Authority at ang House Bill 4315 o People’s Mining Bill.

Ayon kay Gabriela Rep. Luz Ilagan, hindi lamang resulta ng matinding pag-ulan na dulot ng bagyong Sendong ang naganap na trahedya, kundi resulta rin ito ng pang-aabuso sa kalikasan.

Iginiit pa ni Ilagan na maiiwasan sana ang mga ganitong uri ng trahedya kung hindi nauubos o nakakalbo ang mga kagubatan na bunsod ng pagmimina at pagtotroso.

Aniya, ito na ang tamang panahon para agad na ipahinto ang mga nasabing operasyon upang mabawasan ang malaking pinsala (sa buhay at ari-arian) tuwing may kalamidad.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply