Misis ni CJ Corona no show sa JHMC case sa DoJ

HINDI nagpakita ang maybahay ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona sa pagdinig ng Department of Justice (DOJ) sa kasong hindi nito wastong paggamit at pang-aabuso sa pondo ng John Hay Management Corportion (JHMC).

Paliwanag ng abogado nitong si Atty. Stanley Fabito, may importanteng appointment si Ginang Cristina Corona na kailangang daluhan.

Kinwestyon naman ni Fabito kung bakit wala sa pagdinig ang complainant na si Frank Daytec Jr., dating operations manager ng JHMC.

Depensa ng abogado ni Daytec na si Atty. Sheryl Daytec, may trabaho sa Canada ang kanyang kapatid at bago pa man ito umalis noon ng bansa ay sinumpaan na nito ang reklamong inihain laban kay Ginang Corona gayundin kay Chief Justice Corona.

Inihayag pa ni Atty. Daytec na natutuwa ang kanyang kapatid dahil sa pag-usad ng kaso.

Sa inihaing reklamo, idinawit ni Daytec ang punong mahistrado dahil sa kwestyunableng expenses na ni-reimburse kay Ginang Corona ng kanilang kumpanya.

Binigyan naman ng 15 araw ni State Prosecutor Vimar Barcellano ang complainant para maghain ng manifestation na ito ay magpapakita sa pagdinig sa DOJ habang 10 araw naman sa kampo ni Corona para maghain ng komento hinggil sa manifestation.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply