Missing person center sa CDO sinimulan: 500 kabaong ipinamahagi

SINIMULAN ngayon ng PNP forensic team ang pagtatayo ng missing person center sa Cagayan de Oro City habang 500 kabaong naman ang ipinamahagi rito.

Ayon kay Supt. Grace Giamzon, head ng PNP SOCO forensic team, idi-display nila sa isang lugar ang mga nakuhang gamit mula sa mga naging biktima ng bagyong Sendong, para mas madaling makilala ng mga naghahanap nilang kaanak.

Nabatid na sa tulong ng nasabing programa, isang bangkay ang kaagad nilang nakilala.

Kaugnay nito, dumating na rin sa Cagayan de Oro ang 500 kabaong na donasyon mula Pampanga at maging ang forensic team mula Cebu na siyang nagproseso sa mga naging biktima sa lumubog na MV Princess of the Stars.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply