Mister durog sa ten-wheeler truck

DUROG ang katawan ng isang mister matapos sumalpok ang dalang motorsiklo at pumailalim sa ten-wheeler truck sa Malabon City kaninang umaga.

Dead on the spot sanhi ng pinsala sa ulo at sa katawan si Magno Librado, nasa hustong gulang habang nabalian naman ng braso ang asawang si Collen, 17, kapwa taga-Mejonada St., Hulong Duhat ng lungsod.

Sumuko naman sa pulisya ang drayber ng truck (UAL-774) na si Noel Cajustin, 29, residente ng Kaybiga, Caloocan City.

Batay sa ulat, dakong alas-9:30 ng umaga, angkas ng nasawi ang asawa sa Rusi (MC-3011) nang mawalan ng kontrol sa manibela sa MacArthur Highway, Potrero ng lungsod na naging dahilan upang sumalpok sa truck ni Cajustin.

Pumailalim sa truck ang nasawi na naging dahilan ng pagkamatay habang nabalian naman ng kanang braso ang asawa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply