Kumatay sa ‘misis sa septic tank’ arestado na

ARESTADO na at nahaharap sa kasong parricide ang 51-anyos na mister na itinuturong pumatay sa kanyang 39-anyos na misis sa pamamagitan ng pagtali sa leeg nito at paghulog sa septic tank sa isang abandonadong bahay na pagmamay-ari ng dating congressman ng Aklan sa 19 Martyrs St., Kalibo, Aklan.

Inaresto si Benny Dy, Filipino-Chinese matapos ipagbigay alam ng isang testigo sa mga kapulisan ang impormasyon hinggil sa nangyaring krimen noong Abril 21, 2011, Huwebes Santo kung saan sinasabing nakita nito ang dalawang lalaki na naglibing sa septic tank sa biktima.

Naniniwala ang pulisya na napatay ng suspek ang biktima matapos niya’ng bugbugin nang magkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa.

Napag-alaman na ang suspek ay ex-convict dahil sa pagpatay sa isang Swedish national sa isla ng Boracay noong dekada ’90.

Skeleton na nang marekober ang bangkay ni Elisa Malacas-Dy kahapon sa septic tank na may tali ng telephone wire ang leeg at alambre sa dalawang kamay.

Sa report na nakalap, nawala si Elisa Dy noon pang Semana Santa at natagpuan lamang ang bangkay nito na nakalibing sa septic tank nang lumutang ang testigo na nakakita sa dalawang lalaki na naglilibing sa bangkay ng babae.

Inihayag din ng testigo na mismong ang mister ng biktima na si Benny Dy, isang negosyante ang nagpalibing sa asawa sa compound ng abandonadong bahay ng isang dating gobernador sa Poblacion, Kalibo Aklan.

Nag-away ang mag-asawa bago napatay si Elisa noon Huwebes Santo.

Nakumpirma namang kay Elisa nga ang nasabing bangkay dahil sa damit nitong kinilala ng kanyang mga kaanak.

Mariin namang itinanggi ng suspek na nakakulong na sa Kalibo police station ang nasabing krimen.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply