Mister patay sa napikon na kapitbahay

PATAY ang isang mister habang kritikal ang kapitbahay nitong nakaalitan nang magkapikunan habang nag-iinuman sa Caloocan City, Sabado ng gabi, Disyembre 3.

Hindi na umabot nang buhay sa Jose Rodriguez Hospital sanhi ng saksak sa likod si Romeo Teleroso, 55 ng Riverside, Tala, nasabing lungsod.

Ginagamot naman sa nasabing ospital sanhi ng saksak sa dibdib si Jonathan Diaz, 38 at kapitbahay ng biktima.

Sa ulat, alas-6:30 ng gabi, nag-iinuman ang suspek at biktima kasama ang ilang kaibigan sa nasabing lugar nang magkapikunan at magtalo ang mga una.

Nagbunot ng patalim ang suspek at sinaksak ang biktima na naging dahilan upang bumagsak.

Isang hindi pa kilalang lalaki ang nakasalisi ng saksak sa suspek na naging dahilan upang dalhin sina Telesoro at Diaz sa nabanggit na ospital.

Inaalam na ng mga pulis ang pinag-ugatan ng saksakan at kung sino ang tumira kay Diaz.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply