Mister utas sa pamamaril, misis grabe

PATULOY ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente ng pamamaril sa Tambler, General Santos City sa isang mag-asawa kung saan isa ang namatay, habang kritikal ang isa pa.

Naisugod pa sa ospital si Junaina Nur, 26, bago binawian ng buhay, habang kritikal naman ang mister na si Abdul Yasim Basan na tinamaan ng bala sa ulo at katawan.

Ayon kay S/Insp. Lauro Espida ng Tambler-PNP, ang mag-asawang negosyante ay pauwi na mula sa fishport nang biglang binaril ng dalawang suspek na nakasakay ng motorsiklo sa purok Ngilay, Barangay Tambler.

Inaalam pa ng mga imbestigador kung ano ang motibo sa pamamaril.

Nabatid na nawawala rin ang mahigit sa P100,000 pera ng mag-asawa.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply