Mitsubishi Montero tinangay ng carjackers sa Kyusi

MULING umatake ang mga carjackers makaraang tangayin ng mga ito isang pulang Mitsubishi Monetero (PIC711) sa Quezon City.

Nabatid na ipaparada na ng biktimang si Edison de Guzman, 33, ang kanyang sasakyan sa harap ng kanilang bahay sa Ilocos Sur Street, Barangay Magsaysay nang dumating ang dalawang lalaking naka-motorsiklo.

Agad umanong hinampas ng baril sa ulo ang biktima at inagaw ang Montero na pagamit ng kanilang kumpanya.

Mabilis namang nakaresponde ang mga awtoridad at nagkaroon ng habulan na umabot hanggang Tandang Sora Avenue subalit iba palang Montero ang nasundan ng mga pulis na halos kapareha lang ng plaka.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply